MILWAUKEE (AP)– Naitala ni Ersan Ilyasova ang kanyang career-high na 34 puntos at napigilan ng Milwaukee Bucks ang Indiana Pacers, 111-107, kahapon.

‘’Sometimes, you have days like this,’’ sambit ni Ilyasova.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 17 puntos habang ipinoste ni Giannis Antetokounmpo ang 16 puntos para sa Bucks. Sila ay nanalo ng dalawang sunod matapos basagin ang kanilang six-game losing streak.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Si Ilyasova ay 12-of-14 mula sa field at 5-of-6 mula sa 3-point range.

‘’He was cooking,’’ saad ni Bucks coach Jason Kidd. ‘’He was aggressive, he took open shots, he just didn’t settle. He also put the ball on the floor. Everything that he shot pretty much went in.’’

Sumablay ang 3-pointer ni George Hill na sana’y magtatabla sa laban sa mga huling segundo para sa Indiana.

Umiskor si C.J. Miles ng 26 puntos, nagdagdag si Hill ng 24 at 23 ang nagmula kay C.J. Watson para sa Pacers. Naglaro sila na wala ang forward na si David West dahil sa isang allergic reaction.

“No excuse,” ani Pacers coach Frank Vogel. ‘’We played six straight teams with back-to-backs. Some of them came in with a lot of energy. I thought we played with energy but we just weren’t very good early.’’

Maagang iniwanan ng Milwaukee ang Indiana at lumamang sa double-digits sa malaking bahagi ng laro.

‘’You can’t spot a team 23 points and expect to win,’’ giit ni Vogel. ‘’I’m proud of our fight and how they got back into it but you can’t start that way.’’

Nag-umpisang makadikit ang Pacers sa fourth quarter, salamat sa sunud-sunod na 3-pointer ni Hill.

Tila seselyuhan na ng Bucks ang laro nang ma-foul ni Michael Carter-Williams si Watson sa kanyang 3-point attempt. Naipasok ni Watson ang dalawa sa kanyang tatlong free throws upang tapyasin ang kalamangan sa 4, may 1:31 pang nalalabi sa orasan.

Nagmintis si Miles sa kanyang 3-point attempt para sa Indiana, ngunit ibinigay ng game officials ang bola sa Indiana matapos ang isang review na nagpakita ng isang out of bounds play. Nakuha ni Roy Hibbert ang isang jumper upang putulin ang abante sa 2 sa huling 19.9 segundo.

Nakasungkit ng foul si Antetokounmpo at naipasok ang isa sa dalawang free throws, napunta sa Indiana ang bola, naghahabol sa 3 sa natitirang 11.6 segundo. Sumablay si Hill sa kanyang minadaling 3-point attempt sa huling 1.8 segundo at isang free throw ang naipasok ni Jerryd Bayless upang selyuhan ang panalo para sa Milwaukee.

‘’We’ve had big leads, we’ve lost leads, we keep fighting to find a way to get back to the lead then understand we had to get a stop,’’ pahayag ni Kidd. ‘’I thought the last play was big.’’