NAGING bukas na si Crissy Houston sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang apo na si Bobbi Kristina Brown sa panayam sa kanya ni Shaila Scott, host ng WBLS 107.5, isang radio station sa New York.

Nang kumustahin sa kanya ang kalagayan ng kanyang apo, ang tanging sagot lamang ng gospel singer at ina ng yumaong si Whitney Houston ay “She’s the same” — bago kumpirmahin na si Bobbi ay ipinasok sa isang rehabilitation facility makalipas ang ilang linggong pananatili sa Atlanta-area hospital.

“And you know, still not a great deal of hope,” pahayag ni Cissy. “We’re praying...I cannot change a thing. So I’m asking everyone just pray to the Lord who we know can do something. If he does a miracle, thank God. If it happens the other way, I’m alright.”

Matatandaang isinugod sa ospital ang 22 taong gulang na anak ni Whitney noong Enero 31 matapos itong matagpuang walang malay  sa kanilang tahanan sa Georgia. - CBSNEWS
Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?