Ni LITO MAÑAGO

PANSAMANTALANG iiwan ng Starstruck winner na si Steven Silva ang bakuran ng GMA Network at tatawid muna sa TV5. 

Steven Silva

Aapir si Steven sa isang episode ng top-rating mini-series na Wattpad Presents: Lady In Disguise. Isa siya sa leading men ng TV5 Drama Princess at grand winner ng Star Factor nu’ng 2010 na si Eula Caballero. Ang isa pang leading man ay si Brett Jackson na nauugnay kay Andi Eigenmann.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Anong pakiramdam na nasa ibang ‘bakuran’ na siya?

“Ano lang ‘to, guesting lang. Actually, bago ako pumasok dito, hindi ko alam ‘yung Wattpad, eh, ang alam ko lang parang mini-series ito or teleserye. Hindi ko alam,” kuwento ni Steven sa amin. 

“Actually, matagal nang nire-request ng TV5 na mag-guest ako sa kanila ‘kaso busy ako sa La Cage aux Folles (isang musical na ipinalabas sa RCBC Plaza), as in for the last months, wala akong ginawa kundi panay lang rehearsals. From Mondays to Fridays ‘yung rehearsals namin.”

Mabuti pinayagan siya ng GMA.

“I think, okay naman sila. All I know, may agreement sila. Na puwede namang mag-guest ‘yung mga artist ng GMA sa TV5,” sey ni Steven.

Wala ba naman siyang tampo sa GMA knowing na Ultimate Survivor ng kanilang reality artista search?

“Wala namang mangyayari kung magtatampo ako,” mabilis na tugon ni Steven. 

“Actually, naging busy din naman ako sa theater. La Cage is my third theater production at second sa 9 Works kasi ‘yung first ko was ‘Greese’ and at that time, wala akong masyadong ginawa. So sabi ko, mag-theater na muna ako. ‘Tapos nawala rin naman ako sa Sunday All Stars. At hindi naman nila ako pinapakanta roon, eh, so sabi ko, dahil ang passion ko naman is more on singing. At madalas nangyayari sa akin sa SAS pinasasayaw lang nila ako. So, nakapasok ako sa theater,” mahabang kuwento ng aktor.

Maraming natutuhan sa teatro si Steven.

“Aminin na natin na sa theater, there’s no money. Wala talagang pera at kinakain talaga ‘yung oras mo pero you don’t notice as in you’ll really enjoy at talagang may fulfilment. And I think, after three musicals, I’ve grown a lot. Ang dami ngang nagsasabing parang gumanda raw yung boses ko. Mas gumaling ako sa mga performance ko. So, I think, ang kapalit doon sa theater, you don’t get money but you get good experience,” sambit ng binata.

Hindi ba siya naiinggit sa ibang artists ng GMA na pinu-push talaga?

“Meron naman, meron naman,” tugon niya. “Sana i-push din naman nila ‘yung ibang artists. Kasi at the end of the day, lahat kami nasa isang network, di ba? Sana, mai-push ng network ang lahat ng artists na parehas lang, hindi lang isa kundi lahat.”

Leaving GMA for good na ba siya?

“Kung ako ang tatanungin, I wanna stay with GMA. As of now, wala na akong kontrata sa kanila but we’re still talking about the renewal of the contract. Nag-exprire yung contract ko sa kanila nung February 21.”

So ano’ng plano?

“’Yun nga, that’s what I have been thinking about for the last few weeks. Eversince nag-expire yung contract ko, yun talaga ang nasa isip ko,” tanging nabanggit ng “Starstruck” winner.