Ni NITZ MIRALLES

Kris Aquino

NASA Malaysia na ngayon sina Kris Aquino, mga anak na sina Josh at Bimby at trusted personal assistant na si Alvin Gagui para dumalo sa kasal bukas, Sabado ng anak na babae ni Malaysia’s Prime Minister Najib Razak na si Nooryana Naywa.

Kasama dapat ni Kris si President Noynoy Aquino sa pagdalo sa kasal, pero sa post niya sa Instagram bago lumipad ang eroplano, nabanggit ni Kris na siya na lang ang pinadalo ni PNoy.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Omg, I’m the only  one attending the wedding reception, it was decided last night (Wednesday) by PNoy and he gave Prime Minister Najib a call to explain  the reason for his cancellation. And he forgot to call or text me, hehehe. Good luck to me, who knows maybe it will be destiny for me to meet someone interesting on Saturday night.”

 

Sa Sunday ang balik ng grupo ni Kris at tiyak na marami siyang kuwento sa The Buzz sa dadaluhang kasal. Malalaman din natin kung may na-meet nga siyang “interesting” at masasabi niyang ka-destiny na niya.

 

Anyway, habang nasa airport si Kris last Thursday, nakita niya ang malaking pagbabago ng NAIA Terminal 1. 

“Much improved, strong cold aircon, freshly painted with rehab still continuing!” pagre-report ni Kris.

 

Tuloy pa rin ang treat ni Kris ng Chowking Halo-halo sa members ng Quezon City Police Department na tatagal hanggang Easter Sunday. Aabot sa 1,000 members ng QCPD ang iti-treat ni Kris at sa bilang niya, 670 na ang nag-avail ng free halo-halo.

  

‘Katuwa na nabanggit niyang ni-remind siya ng kasosyo niyang si Dominic Hernandez na kailangan na niyang i-replenish ang “halo halo fund” para hindi gumulo ang cash control audit.