Ipinagdiriwang ng bansa ang National Women’s Health Month ngayong Marso upang tingnan ang mga programang ipinatutupad ng ating gobyerno, sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor, upang itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan, lalo na sa mga lalawigan.

Pinangungunahan ng Department of Health (DOH) ang selebrasyon sa mga programa na naglalayong turuan ang kababaihan tungkol sa mga pamamaraan at paggagamot upang maiwasan ang mga sakit na nakaaapekto sa kanilang kabuhayan at mga aktibidad sa tahanan. Ang sakit sa puso ang numero unong banta sa kababaihan sa bansa, dahil sa paraan ng kanilang pamumuhay. Makikita sa statistics na mas maraming babae ang naninigarilyo at umiinom ng alak, at ang kanilang kinakain ay matataba, matatamis at maaalat.

Ang top five na cancer ng mga Pinay ay breast cancer, cervical cancer, lung cancer, colon cancer, at ovarian cancer. Hinihimok ng gobyerno ang kababaihan na sumailalim sa screening programs, partikular na ang pap smear at bakuna bilang preventive at curative measures sa cervical cancer management.

Hinihimok ang kababaihan na regular na magpa-checkup sa mga pampublikong health unit at mobile clinic sa buong bansa. Ang mga health facility ay nagkakaloob ng libreng gamot at laboratory testing. Nakikipag-ugnayan ang mga pharmaceutical, pribadong institusyon, at mga non-government organization sa gobyerno upang mapabuti ang kalusugan ng maralitang kababaihan sa mga lalawigan, lalo na yaong nagtatrabaho sa sakahan at sa mga probinsiyang tinamaan ng kalamidad.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Nakatalaga ang Pilipinas sa United Nations Millennium Development Goals (MDGs) na umaasinta sa pagpapababa ng kahirapan, kagutuman, at pagkakasakit ngayong taon. Hinaharap nito ang paghamon na itaguyod ang mga adhikain para sa kababaihan tungo sa pagtamo ng AMDG 5 o ang pagpapahusay ng maternal health. Ang pagbubuntis ang panganganak ay kabilang sa nangungungunang dahilan ng kamatayan, pagkakasakit at disabilidad ng kababaihan na nabibilang sa reproductive age sa mga umuunlad na bansa. Ang commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa MDGs ay nagsisikap tungo sa pagpapababa ang maternal mortality ratios sa three-quarters ngayong taon, sa pamamagitan ng epektibong family planning health services, antenatal care, at access sa health facilities.

Mayroon ang mga Pilipino ng universal, libreng access sa contraception at expanded health education sa mga health center ng gobyerno, sa pamamagitan ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (RH Law). Binibigyan ng naturang batas ng kapangyarihan ang kababaihan, sa pamamagitan ng informed choices at volunteerism, tungkol sa kalusugan nila at ng kanilang pamilya.

Sa loob ng maraming taon, ang access ng mga Pilipino sa healthcare ay umangat bilang resulta ng Univeral Health Care o ng Kalusugan Pangkalahatan framework ng gobyerno. Higit pa, tinatamasa na ngayon ng maralita, ng matatanda at ng kanilang mga pamilya ang health insurance coverage.