Toni Gonzaga

GUSTONG klaruhin ng taga-Your Face Sounds Familiar na hindi totoong pinalitan ni Sharon Cuneta si Toni Gonzaga bilang isa sa jury kasama sina Jed Madela at Gary Valenciano.

“Supposedly, apat ang jury ng YFSF, isa sana si Toni, ‘kaso hindi na pumuwede kasi may shooting siya ng You’re My Boss kasama si Coco (Martin), ‘tapos magiging busy pa siya sa nalalapit na kasal niya,” esplika sa amin.

“Kasama talaga si Shawie kasi ito nga ‘yung unang show sa pagbabalik niya sa ABS-CBN at saka icon nga ang usapan sa jury, di ba, icon si Sharon.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Medyo umalma kami sa term na icon dahil tiyak na maraming magre-react dahil unang-una ay hindi pa considered si Toni Gonzaga bilang icon dahil wala pa naman siyang napapatunayan in terms of singing, well, hit naman ang mga album niya. Mas okay siya bilang artista at TV host, but not icon sa music industry.

Si Sharon nga may nag-react din dahil mas icon daw siya bilang artista hindi rin bilang singer.  Hindi na kami nagkomento sa isyung ito.

Going back to Toni, sabi namin sa kausap naming insider ng Your Face Sounds Familiar, nakabuti na ring hindi napasama ang TV host/actress/singer dahil baka nga kuwestiyunin siya bilang icon sa music industry. --Reggee Bonoan