AGOO, La Union – Dalawang katao ang patay at anim na iba pa ang nasugatan nang masalpok ng humaharurot na pampasaherong bus ang sinasakyan nilang jeepney sa national highway sa Barangay Nazareno sa bayang ito, dakong 2:00 ng hapon nitong Marso 22.

Ayon sa pulisya, kapwa hindi na umabot sa ospital sina Virginia Garcia, 55; at Norayda Dulay, parehong taga-Bgy. San Benito, Aringay, La Union, habang dinala naman sa magkakaibang ospital ang anim na nasugatan, kabilang ang isang tatlong buwang sanggol.

Ayon sa paunang imbestigasyon, lulan ang mga biktima sa jeep na minamaneho ni Benigno Dulay at bibisita sana sa isang kaibigan sa Agoo.

Sa pagkaliwa ng jeep ay bigla itong sinalpok ng humaharurot na Sta. Lucia bus.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sinabi ni Ferdinand Habon, driver ng bus, na hindi nag-signal ang jeep bago kumaliwa. At bagamat nakapagpreno pa siya, huli na ito at nasalpok na ng bus ang jeep.

Ikinulong si Habon sa detention cell ng himpilan ng Agoo Police at nahaharap sa mga kasong homicide, serious physical injuries at damage to property. - Erwin G. Beleo