TARLAC CITY - Isang barangay chairman at isang miyembro ng Bantay Bayan ang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) matapos nila umanong pasukin sa kuwarto at molestiyahin ang isang 12-anyos na babae sa Barangay Mapalacsiao, Tarlac City, kamakailan.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Felix Verbo Jr., ang mga inireklamo sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ay sina Rael Gatus, 47, chairman ng Bgy. Mapalacsiao; at Federico David, 53, miyembro ng Bantay Bayan.

Hinipuan umano ng dalawang opisyal ng barangay ang dalagita sa magkabilang hita at puwit.

Kaagad namang ipinaalam ng dalagita ang insidente sa kanyang ina na agad nagtungo sa pulisya at inireklamo sina Gatus at David.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20