Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat makinabang ang sambayanan sa paglulunsad ng libreng WiFi spot sa 967 munisipalidad at sa buong Metro Manila.

“It will also be set up in town halls and town plazas. Kaya kung, halimbawa, ang isa ay malapit sa Municipal Agriculture Office, puwedeng gamitin ito upang alamin ang presyo ng gulay sa Maynila. Ito naman ang layunin talaga, to help real farms and not just Farmville players,” ayon kay Recto.

Aniya dapat na maging prioridad sa libreng WiFi—na pinondohan ng P1.4 bilyon—ang mga ospital, paaralan, silid-aklatan at government facility.

Aniya, inaasahang ngayong taon din ay dadami ang papasok sa bansa dahil ang Pilipinas ang punong-abala sa Asia Pacific Economic Conference (APEC), na inaasahang aabot sa 15,000 ang mga delegado.

National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Gusto rin natin na huwag maabuso ang free Wi-Fi. Ayaw naman nating maging corporate headquarters ang mga iyan ng Facebook generation or tambayan ng mahilig lang sa selfie. There should be users’ rules,” paliwanag ni Recto.