Jadine

AYAW paawat sa kasikatan ang Fil-Australian young actor na si James Reid at ang kanyang ka-love team na si Nadine Lustre dahil lalong dumarami ang kanilang fans sa lahat ng dako ng ‘Pinas.

Sa nakaraang  solo guestings ni James sa It’s Showtime, hindi magkamayaw ang mga tao sa adulation sa bagong heartthrob.

Hindi napagbigyang pumasok ang fans nila ni Nadine Lustre sa studio ng It’s Showtime kaya naglaan sila ng fans day para sa supporters nila sa Music Museum. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Loving sila sa kanilang mga tagahanga. Inspired sila na maglaan ng araw para sa meet and greet sessions with their fans dahil sila naman talaga ang nagdadala sa kanila sa tuktok ng tagumpay sa ngayon.

“Super saya kasi sila naman ang reason kung bakit gusto namin mag-perform, kaya nagpupunta kami sa iba-ibang lugar just to see them at ‘yung fans talaga namin ibang klase sumuporta. They’re amazing people. They follow us everywhere, even out of town,” sey ni Nadine.

Hindi kaila  sa fans at kay Nadine na ‘in a relationship with a non-showbiz’ si James pero tanggap ito ng lahat. Bansag nga ni Nadine sa kanilang tambalan, ‘partners in crime’.  

“Parang it’s cool, di ba? I don’t call him my love team. I call him my partner in crime para maiba naman po.” pahayag naman ni Nadine.

Ang masasabi naman ni James sa kanilang samahan as partners in crime?

“Partners in crime. We are not in a relationship, we’re friends. Between the two of us, we’re partners,” pagsang-ayon ni James.

Inihahanda na for showing this summer, definitely sa May, ang follow-up movie nilang Hopeless Romantic, na suportado silang dalawa ng isa pang bigating love team -- sina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Mag-uumpisa na rin silang mag-taping ng una nilang serye sa Kapamilya Network, ang On The Wings of Love.

“We’re very excited to shoot na. Mag-start na po kami mag-shoot ngayong April pero ‘di pa po namin alam when ipapalabas,” sabi pa ng dalawa.