Congratulations kay dating Rev. Marcelino Antonio Maralit na ngayon ay Most Rev. Bishop Maralit na. Si Bishop Maralit ay inordinahan sa San Sebastian Cathedral sa Lipa City, Batangas. Ang ordinasyon ay dinaluhan nina Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Bishop Rey Evangelista ng Diocese ng Imus; Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales at ang Papal Nuncio ng ating bansa, Archbishop Guiseppe Pinto at ilan pang mga Obispo at mga pari mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Pinangunahan ni Cardinal Rosales, na dating Arsobispo ng Lipa, ang ordinasyon kay Bishop Maralit.

Sa kaniyang homiliya, pinayuhan ni Cardinal Rosales si Bishop Maralit na sikaping maging isang mabuting obispo “Huwag magiging magagalitin dahil hindi ganito ang isang mabuting pari, ang isang mabuting obispo. Pinili kang maging obispo dahil nagtitiwala ang mga pari, at isa kang biyaya para sa diocese ng Boac, nawa ay maging mabuting pastol, ama, at kapatid ng mga pari at mga layko roon,” hayag ni Cardinal Rosales.

Si Bishop Maralit ay itinalaga bilang obispo ng Diocese ng Boac, Marinduque nitong nakaraang March 17.

***

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Kongkretong gawain at hindi lamang mga ritwal ang dapat gawin ng mga Katoliko ngayong Kuwaresma upang maipahayag ang pakikiisa sa pagpapakasakit na dinanas at pagkamatay ng ating Panginoong Jesus.

 

Ito ang paalala ni Archdiocese of San Fernando Auxiliary Bishop Pablo Virgilio David. Paalala po sa atin ni Bishop David na bagamat taun-taon ay maraming Katolikong namamanata o nagpepenitensya tuwing Mahal na Araw ay mas kinakailangan pa rin ang kongkretong pamamaraan ng paggunita sa sakripisyo ng Panginoong Jesus.

 

Inilahad ni Bishop David ang mga proyekto ng Archdiocese of San Fernando sa panahon ng Kuwaresma kagaya ng pagpapakain sa mga nagugutom o walang makain, tulong sa pagpapalibing, bihisan ang mga walang damit, dalawin ang mga may sakit at mga bilanggo, at iba. Inilunsad din nila ang Lenten Savings for Alms Giving, o alkansya para sa kuwaresma.