PINAG-AARALAN na ngayon Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang gagawing hakbang kung nararapat bang kasuhan ang aktres na si Melissa Mendez.

Ayon kay CAAP Deputy Director Rodante Joya, hinihintay pa nila ang incident report mula sa Cebu Pacific kaugnay sa nangyaring tensiyon na ginawa ni Mendez.

Sa salaysay ng actor-model at rugby player na si Andrew Wolf sa kanyang Instagram post, inagawan ni Mendez ng upuan sa Cebu Pacific Flight 5J711 patungong Pagadian, ang kanyang kaibigang si Rey Pamaran.

Nang paalisin si Mendez sa kanilang reserved seats ay nagwala ang aktres, pasigaw na nagbitiw ng maaanghang na salita kay Pamaran.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ng CAAP na ipatatawag nila si Mendez para makuha ang pahayag nito sa nangyari at sakaling makitaan ng pagkakamali ay posible itong kasuhan sa korte.