Naghain ng panukalang ordinansa ang mga miyembro ng Konseho ng Maynila na humihiling na ipagbawal ang paniningil ng parking fee sa mga shopping mall at iba pang establisimiyento sa siyudad sa unang anim na oras na nakaparada ang isang sasakyan.

Base sa panukalang inihain nina Councilors Joel R. Chua at Ernesto C. Isip Jr., nais ng mga miyembro ng konseho na hindi na pagbayarin ang patron ng mga establisimiyento ng parking fee kung bibili sila ng mga kalakal o serbisyo na hindi bababa sa P500.

Sinabi ng mga konsehal na ang libreng singil sa parking ay hindi dapat humigit sa 12 oras na nakaparada ang isang sasakyan kada araw.

“Any violation of this ordinance shall cause the cancellation of the business permit of the establishment, if issued already, or non-renewal, if there is an application pending before the office of the business permit,” ayon sa binalangkas na panukala.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Naobserbahan ng mga konsehal ng Maynila na ginawa nang negosyo ng mga mall owner ang paradahan ng mga sasakyan.

Ayon naman kay Chua, dapat na maging bahagi na ng serbisyo ng mga mall at iba pang establisimiyento ang libreng parking sa Maynila.

Sinabi ni Chua na ipinasa na ang panukalang ordinansa sa oversight committee at committee on transportation ng konseho upang matalakay ito sa Marso 25. - Jenny F. Manondo