GENERAL SANTOS CITY- Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang pulis matapos gulpihin umano ang isang operator ng karnabal sa T’boli, South Cotabato kamakailan.

Isinailalim sa restrictive custody ni South Cotabato Provincial Police Office Director Jose Briones ang suspek ni PO1 Christopher Lugong matapos sampahan ng reklamong police brutality ng biktimang si Benardo Cabasag, operator ng “octopus” ride sa karnabal.

Inakusahan ni Cabasag si Lugong ng pambubugbog sa kanya matapos niyang sitahin ang pulis habang umiihi sa isang tent na nagsisilbing pansamantalang tuluyan ng operator ng mga ride.

Itinayo ang octopus sa karnabal kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng T’boli noong Marso 16.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sinabi pa ng biktima na binitbit siya ni Lugong sa himpilan ng pulisya kung saan din ito tinutukan umano ng baril.

Sa kabila ng paghingi ng umanhin ni Lugong, sinabi ni Cabasag na determinado siyang isulong ang kaso laban sa abusadong pulis. - Joseph Jubelag