Para sa ngayon lang nakabasa ng artikulo natin ngayon, tinatalakay natin ang paksa tungkol sa kung paano masusumpungan ang kapanatagan ng kalooban sa gitna ang mahigpit na situwasyon. Hindi lamang ito nauukol sa ating trabaho kundi pati na rin sa ating personal na pamumuhay. Ipagpatuloy natin...

  • Kaya mong kontrolin ang iyong emosyon. – Pagnilayan ang mga tagpo sa iyong buhay kung saan naging panatag ka sa gitna ng malaking kaguluhan; yaong mga sandali na gusto mo nang ibalibag sa sahig ang refrigerator dahil sa sobrang galit sapagkat may nagnenok ng pinakatatago mong sans rival sa freezer nang biglang kumatok sa iyong pinto ang inyong kasambahay at sinabi na puwede ka nang gumamit ng banyo at hindi mo na naituloy ang pagbalibag sa ref sanhi ng pagbabago ng iyong atensiyon at nawala ang iyong galit. Balikan mo ang tagpong iyon sa iyong isip at magkakaroon ka ng pagkakataon na maging panatag.
  • Ibahin ang iniisip. – Sa halip na dikdikin mo ang iyong sarili sa pagsisisi dahil sa isang mahigpit na situwasyon, mag-isip agad ng isang bagay na nakaaaliw o magandang pagtuunan ng atensiyon tulad ng paborito mong computer game. Mabisa itong magpanatag ng kalooban.
  • Lumikha ng panatag na kapaligiran sa pamamagitan ng mga rituwal. – Napapakalma ka ng musika na may magaan na melodiya, gamitin mo iyon. Lumalamig ang iyong pakiramdam kapag nakakita ka ng isang mayabong na halaman, simulan mong mag-alaga niyon sa iyong silid. Nasusumpungan mo ang katahimikan ng damdamin kapag nagsindi ka ng kandilang may bango sa loob ng madilim na silid, gawin mo iyon.
  • National

    Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

    Sa tuwing uuwi ka mula sa trabaho, bigyan mo ang iyong sarili ng ilang minuto ng katahimikan upang mapakalma ang iyong isipan bago mo simulan ang isa pang aktibidad. Bago ka tumuloy sa iyong silid, maupo ka muna sa sopa sa sala, pumikit at huminga nang malalalim; tanggalin ang iyong mga sapatos at medyas at luwagan ang iyong kuwelyo. Mas mainam ang rituwal na manalangin at magpasalamat sa Diyos sa isang araw na nagdaan.