Marso 21, 1804 nang pagtibayin ng French emperor na si Napoleon Bonaparte (1769-1821) ang Napoleonic Code (“Code Civil des Francais” sa Pranses) matapos ang apat na taong debate.
Ang code ay kinapapalooban ng commercial at criminal law, at mayroong kategorya sa ari-arian at pamilya.
Nagbibigay ito ng kalayaan sa relihiyon, nagkakaloob ng posisyon sa gobyerno base sa merito at nagbabawal sa birth-based privilege. Hindi krimen sa code ang blasphemy, sabi-sabi at iba pang gawain na labag sa relihiyon. Gayunman, hindi nahinto ang pang-aalipin.
Pinagkalooban ang mga lalaki ng karapatan sa kani-kanilang pamilya, tinanggalan ng karapatan ng mga babae at ang mas kaunti ang karapatan ng mga anak na hindi lehitimo.