Bukas ang Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES) sa panukalang pagpapatupad ng hybrid election system sa May 2016 polls.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, chairman ng JCOC-AES, na pinag-aaralan ng lupon ang lahat ng legal na aspeto ng hybrid system kaugnay ng pagpapatupad ng Transparent and Credible Election System (TCrES) sa mga susunod na halalan.

Kaugnay nito, hiniling ng JCOS-AES sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng feasibility study sa TCrEs para sa eleksiyon sa Mayo 2016.

“We will study the legal angle. We will revisit our position,” inihayag ni Pimentel sa dating Comelec commissioner at IT expert na si Gus Lagman, na isa sa mga nagsusulong ng TCrES.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Ayon sa grupo ni Lagman, mas makatitipid ang gobyerno sa hybrid election system kumpara sa paggamit ng Precinct Count Optical System (PCOS) at Direct-Voting Electronic (DRE) technology.

Aniya, mas magiging “credible” rin ang proseso ng botohan sa paggamit ng hybrid scheme.

Sa ilalim ng TCrES, manu-manong isasagawa ang botohan sa mga voting precinct.

Subalit, ayon kay Lagman, may mga bagong disenyo ang mga tally sheet at election return na gagamitin sa halalan.

Ang resulta ng botohan ay isasailalim sa encoding at verification. At matapos nito, ang mga resulta sa precinct level ay ipapadala sa Municipal Board of Canvassers (MBOC) at Central Verification Server (CVS) sa pamamagitan ng electronic transmission.

Susundan ito ng automated consolidation at canvassing ng boto sa municipal, provincial at national level.

Una nang kinuwestiyon ng mga nagsusulong ng TCrES ang isinagawang testing ng Comelec sa DRE bagamat ito ay ikinokonsiderang noong panahon pa ng kopong-kopong.

Samantala, kinontra ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes ang paggamit ng TCrES dahil dapat maaga ay pa itong ipinanukala ng grupo ni Lagman upang maamyendahan ang Automated Election Law. - Hannah L. Torregoza