Unti-unti nang naibabalik ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang pagkilala bilang miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos na aprubahan ng komite na magsagawa ng eleksiyon ang asosasyon sa Marso 25.

Ito ang napag-alaman kay PATAFA president Philip Ella Juico na aniya’y sinang-ayunan ng POC ang eleksiyon sa ikalawang pagkakataon ng asosasyon kung saan ay mismong si membership committee chairman Jose Romasanta ang ipadadala upang siyang magiging opisyal na observer sa halalan.

“We hope to finally end the gap between our organizations for the common good of athletics, our national athletes and for the glory of the sports we all loved ,” pagmamalaki ni Juico sa pagbubukas ng 2015 Philippine National Open-Invitational Athletics Championships sa Laguna Sports Complex noong Huwebes.

Matatandaan na matagal na panahon din na hindi nagkasundo ang PATAFA at POC bunga sa naging hidwaan ni dating PATAFE head Go Teng Kok at POC president Jose “Peping” Cojuangco na nagdulot sa pagkakadeklara kay GTK bilang persona non grata kaalinsabay pagtanggal ng suporta sa asosasyon ng track and field.

National

PBBM supporters, nagtipon-tipon sa EDSA; sumigaw ng ‘demokrasya’

Ipinaliwanag ni Juico na ang asosasyon ay kikilalanin ngayon bilang Philippine Athletics Track and Field Association matapos na alisin ng kinaaanibang asosasyon ang kategorya bilang amateur.

Nakumpleto na rin ng PATAFA ang kinakailangang mga dokumento para mapagtibay nila ang pagiging miyembro ng POC sa pagkuha ng sertipiko sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Idinagdag nito na base sa regulasyon ng SEC, ang termino ng mga ihahalal na opisyales ay lilimitahan na lamang sa tatlong taon na isang balakid dahil ang lahat halos ng mga asosasyon sa sports sa buong mundo ay sinusunod ang apat na taong termino para sa kanilang mga opisyal.