Ni NITZ MIRALLES
THIS Friday, March 20, ang sinasabing pagpirma ng kontrata ni Willie Revillame sa GMA-7 para sa weekly show na kanyang gagawin. “WowoWin” daw ang title ng show na 3:30-5:30 PM, ang airing every Sunday.
Blocktimer si Willie, hindi station produced ang show at tila P2M every Sunday ang production cost ng gagawing programa. Tinawagan na raw ni Willie ang mga kaibigan na gustong mag-sponsor sa kanyag shows, sila rin ang sponsors ng show noong nasa ABS-CBN at TV5 pa ang show niya.
Ang pagpasok ng show ni Willie ang nakita naming rason kung bakit biglang na-move sa April ang airing ng InstaDad na naka-schedule umere ng March 22. Pagkatapos ng Sunday All Stars ang dapat na time slot ng InstaDad na time slot ngayon ng show ni Willie.
Kaya ang tanong, saan na ilalagay ang InstaDad ngayon?
Kung titingnan, walang problema sa airing, ibalik sa 12 ng tanghali ang SAS, saka ipasok ang Instadad at isunod ang show ni Willie o puwedeng unahin ang show ni Willie bago ang comedy show ni Gabby Eigenmann.
Ang magiging problema lang, kapag nag-overtime ang show ni Willie, baka hindi na umere ang InstaDad at ang 24 Oras Weekend.