HINDI namin gusto ang premyadong indie actor na hindi naging maganda ang una naming panayam dahil may ere at hindi sinasagot nang maayos ang mga isyu noon tungkol sa kanyang pamilya.

Pero nang mapasama sa commercial films at nagpalit ng talent manager ay nabago na ang mga sagot, nagkukuwento na siya paunti-unti tungkol sa pamilya niya. Halatang nagpipigil pa rin pero iginagalang namin dahil malalim ang pinaghuhugutan niya.

Mabait ang bago niyang talent manager kaya dedma na lang kami sa premyadong indie actor na unang-una ay hindi naman nagma-matter sa amin.

Pero nakaramdam kami ng awa sa kanya nang makatsikahan namin ang assistant director na nakatrabaho niya at lubos naming naintindihan kung bakit may angas siyang sumagot sa reporters.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“‘Yun na lang kasi ang meron siya, pride, kasi wasak siya, wasak ang pamilya niya. Walang-wala rin naman siya at sa kanya nakaatang lahat ng problema,” bungad na kuwento sa amin ng assistant director.

Noong nagso-shooting sila ng indie film kasama ang premyadong aktres sa malayong lugar ay napansin nilang malakas kumain ang premyadong indie actor na akala mo ay dalawang araw nang hindi kumakain.

“Totoo pala, hindi kumain ng dalawang araw at umaasa lang pala sa catering kapag may shoot siya. Mabuti na lang ang papel niya sa pelikula ay hindi naman kailangan ng magagandang damit, kasi wala rin pala siyang ilalabas.

“Minsan nagyaya ng dinner si _____ (premyadong aktres) sa bahay nila at inimbita si ____ (premyadong indie actor) at nagka-tsikahan at doon namin nalaman ang buong kuwento ng buhay niya. Talagang kakaawaan mo kasi hindi naman siya dapat nalagay sa ganu’ng sitwasyon, nadamay siya sa gulo ng pamilya.

“Sa ngayon, kargo niya ang mga kapatid niya sa pagpapaaral na dapat sana ay hindi dahil malakas naman kumita ang magulang,” kuwento ng assistant director.

Naikuwento rin ng premyadong indie actor na dumating sa punto na wala silang kinakain kaya napipilitan siyang manghingi sa mga kaibigan.

“Eh, si _____ (premyadong aktres), maraming nilutong food at wala rin naman siyang kasama sa bahay niya, lahat ng sobrang pagkain, ibinigay niya kay _____ (premyadong indie actor) kaya tuwang-tuwa kasi ilang araw din daw nilang supply ‘yun.

“Maaawa ka, Reggs, kasi iilan lang ang nakakaaalam ng totoong buhay niya at kaya may ganu’n siyang attitude kasi sandata na lang niya ‘yun para hindi siya maapi o kaawaan, pero ang totoo, nakakaawa siya talaga.”

Ang wish namin, sana ay dumami ang projects niya, makaipon siya para maiahon niya sa kagipitan ang pamilya niya at higit sa lahat, sana ‘pag nangyari lahat iyon, huwag siyang yumabang.

Good thing na sa maayos na talent manager siya napunta at matuturuan siya kung paano makihalubilo sa showbiz lalo na sa entertainment press.