Ipinagdiriwang ng Tunisia ang kanilang National Day ngayon. Sa pista opisyal na ito, nag-aalay ng mga bulaklak ang mga lokal na leader sa mga sementeryo at memorial park upang parangalan yaong mga namatay sa pagtamo ng kalayaan ng kanilang bansa.

Matatagpuan sa dulong hilaga ng Africa, ang Tunisia ay nasa hangganan sa kanluran ng Algeria, sa timog-silangan ng Libya, at sa hilaga at silangan ng Mediterranean Sea. Sa lawak na 165,000 square kilometer na lupain, taglay ng Tunisia ang populasyon na mahigit 10.9 milyon, 98% rito ang mga Muslim at ang natitira ay mga Kristiyano at mga mananampalataya ng Judaism. Amg Tunis ang kapital at pinakamalaking lungsod. Ang pangulo ng naturang bansa ay kailangang isang Muslim.

Lugar ng sinaunang Carthage at isang dating Barbary state sa ilalim ng soberanya ng Turkey, naging protectorate ng France ang Tunisia sa ilalim ng isang treaty na nilagdaan noong Mayo 12, 1881. Naging malaya ang bansa noong Marso 20, 1956, at natapos ang monarkiya sa sumunod na taon. Matibay ang pakikipag-ugnayan ng Tunisia sa larangan ng kalakalan at relasyong bilateral sa kapwa European Union at mga bansang Arabo. Miyembro rin ang bansa ng international at regional organizations tulad ng United Nations, ng Arab League, ng African Union, ng World Trade Organization, at ng Organization of Islamic Conference (OIC). May kalawakan ang ekonomiya ng Tumisa. Ang mahahalagang industriya ay produktong petrolyo, turismo, agrikultura, mining, at manufacturing. Noong Nobyembre 23, 2014, idinaos ng naturang bansa ang kanilang unang presidential elections simula pa noong 2011 Arab Spring.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Tunisia sa pangunguna nina Pangulong Beji Caid Essebsi at Prime Minister Habib Essid, sa okasyon ng kanilang National Day.
National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!