Marian & Gloria

LUMAKI si Marian Rivera-Dantes sa kanyang Lola Francisca, ang kanyang guardian noong panahong nagtatrabaho pa sa ibang bansa ang kanyang Mama Amalia, kaya very close siya rito. Nang bumalik na sa bansa ang mama niya, sila ang dalawang babaeng nag-alaga at pinakamamahal niya.

Kaya sa first taping day ni Marian ng The Rich Man’s Daughter (TRMD), na-touch siya nang ang una niyang nakaeksena ay ang Movie Queen of Philippine Cinema na si Ms. Gloria Romero, na halos kaedad ng Lola Iska niya. Bagay na bagay ang two lovely ladies together sa mga eksena.

“First time ko po lamang makatrabaho si Ms. Gloria Romero, kaya tuwang-tuwa ako,” sabi ni Marian. “Eh, siya pa ang gumaganap na lola ko sa story, kaya overwhelmed ako nang kunan ang eksena naming dalawa. Alam naman po ninyong makalola ako kaya relate na relate ako sa eksena. Siguro, iyong mga itinuro sa akin ng Lola Iska ko, magagamit ko sa mga eksena.”

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Sa direksiyon ni Dominic Zapata, sa istorya ng TRMD ay mayaman ang angkan ni Jade Tanchinco (ginagampanan Marian) at siya ang itinuturing na jewel ng kanilang pamilya. At siyempre, paborito siya ng kanyang lola. Marami silang heartwarming scenes. Pero maunawaan kaya ng lola si Jade ang kakaibang character o sexual preference niya?

Kababalik lang ni Marian at ng asawang si Dingdong Dantes mula sa Araw ng Dabaw noong Lunes, March 16 at nagkaroon sila ng Kapuso regional show sa Abreeza Mall at 3:00 p.m. First time nina Dingdong at Marian to share the stage ngayong mag-asawa na sila. Una silang nagkasama sa Kadayawan Festival noong August, 2007 na bago pa lamang silang magka-love team sa first drama series nila, ang Pinoy adaptation ng Marimar. After almost eight years, saka pa lamang sila nakabalik sa Davao, na mag-asawa na. Bumalik din sila sa Manila kinagabihan dahil may taping si Dingdong ng Pari Koy at si Marian ng TRMD nga.