ROSALES, Pangasinan - Isinusulong ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang mas matinding parusa sa mga nagbebenta ng frozen meat sa pamamagitan ng hindi lang pagsuspinde kundi pagbawi sa lisensiya ng mga ito upang maiwasan ang paulit-ulit na paglabag.

Kasabay nito, nagbabala si Engr. Rosendo So, pangulo ng SINAG, na bilang na ang mga araw ng mga nagbebenta ng frozen meat sa mga palengke.

Kamakailan ay nakipagpulong ang mga opisyal ng SINAG kay Agriculture Secretary Proceso Alcala para talakayin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa food safety. - Liezle Basa Iñigo

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon