Dapat na tiyakin ng Department of Education (DepEd) ang kapakanan at magiging kalagayan ng mga guro sa implementasyon ng K-12 program.

Umaasa ang Association of Major Religious Superior of the Philippines (AMRSP) na mayroong nakahandang alternatibong paraan ang pamahalaan para sa mga guro sa bansa na maapektuhan ng pagpapatupad ng naturang programa.

Giit ni Father Dexter Toledo, Executive Secretary ng AMRSP, bagamat naglalayon ang programang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa, hindi naman ito nararapat na magdulot ng pasakit o pahirap sa mga gurong maaaring mawawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan.

Base sa ulat, libu-libong guro ang posibleng mawawalan ng trabaho sa pagpapatupad ng K-12 program.
National

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa 3 weather systems