Isang barangay kagawad at dalawang barangay tanod ang natangayan nang cellphone at P1,500 matapos na maholdap habang nagpapatrulya sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.

Nagreklamo sa Manila Police District (MPD)-Police Station 9 ang mga biktimang sina Josephine Picayo, 49, kagawad sa Barangay 705, Zone 77 at residente ng 620- 5 San Andres Street, Malate, Manila; at mga barangay tanod na sina Tito Vargas at Ludivico Mondala.

Arestado naman ang holdaper na si Ryan Christian Canoy, 18, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng 1909 Maria Orosa St., Malate, Maynila.

Batay sa reklamo, nagpapatrulya ang tatlo dakong 5:30 ng madaling araw nang holdapin ng suspek sa San Andres Street, Malate, gamit ang isang baril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinuha umano ng suspek ang cellphone at salapi ng tatlo bago tumakas.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa pinangyarihan ng krimen, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakitang naglalakad sa lugar.

Nabawi sa suspek ang Samsung cellphone at P1,500 ng mga biktima.