Isang Grade 6 pupil ang pinatay ng kanyang kaklase makaraang maasar ang huli nang talunin niya sa paglalaro ng gagamba sa Sta. Rita, Western Samar, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay SPO2 Alma Advincula, ng Marabut Police, iisa ang pinapasukang paaralan at kapwa nasa Grade 6 ang biktima at suspek.

Sinabi ni Advincula na lumabas ang dalawa mula sa kanilang klase para manguha ng gagamba sa hindi kalayuan sa kanilang eskuwelahan.

Ayon kay Advincula, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Namatay ang biktima sa ospital dahil sa mga tinamong taga sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Marabut Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang suspek papanagutin sa kaso.