Habang lulan ka ng aircon bus at naipit sa matinding traffic, medyo naiidlip ka na sa kalamigan ng naturang bus o public utility van. Naroon na ang utak mo sa pinapangarap mong beach resort, nakaupo ka na sa duyang gawa sa sawali, sumisipsip ng malamig na buko juice, at papalapit sa iyo ang isang waiter na may dalang fruit plate nang biglang sabihin nito sa iyo sa malakas na boses “Hoy! Taquio! Si Taquio ka ba? Ahaaay! Kumusta ka na, Taquio!” Ang pasigaw na nagsasalita pala ay katabi mo, may kausap sa cellphone. Nagulantang ka ngayon, nasira ang iyong summer getaway! Kakainis!

Ipagpatuloy natin ang ilan pang ethics sa paggamit ng cellphone sa publiko...

  • Pagsasalita nang malakas. - Kapag nasa pampublikong sasakyan ka, lalo na sa loob ng jeep o bus o van at may tumawag sa iyo sa cellphone, malamang na lalakasan mo ang iyong boses sapagkat lalabanan mo ang ingay sa iyong paligid. Dahil dito, hindi mo sinasadyang gambalain ang pagmumuni-muni ng mga pasahero. Mapupukaw mo ang kanilang atensiyon at itutuon sa paksa ng iyong pakikipag-usap. Sa lakas ng iyong boses, parang napakalayo ng iyong kausap. Kung gaano kalayo ang iyong kausap sa cellphone, ganoon din kalakas ang iyong boses. Upang hindi ka makagambala sa ibang pasahero, tiyaking maigsi ang inyong pag-uusap. At kung kaya mo rin lang, hayaan mo iyong magkuliling sa loob ng iyong bulsa o bag, saka mo i-text na nasa maingay na lugar ka at ayaw mong makipagsigawan.
  • National

    Rep. Roman, dismayado sa pahayag ni VP Sara: ‘We should not equate being gay with being weak!’

  • Sino ‘to? – Isa itong habit na hindi natin maalis sa ating sistema. Kapag tumanggap ka ng tawag mula sa hindi kilalang number, tinatanong mo kung sino ang caller. At kapag hindi nagpakilala sa iyo, ite-text mo ang caller ng “Hu u?”. Pagtitinginan ka ng mga taong nakaririnig sa iyo habang sinasabi mong “Sino ‘to? Sino ka nga eh?!” na para kang bibiktimahin ng pagnanakaw, panununog, at panggagahasa. “Sino sabi ito eh?!” Sa English naman, baka international human trafficker ‘yan. Para sa iyong kaligtasan, huwag mong sagutin ang caller na hindi nagpakilala. Huwag mo ring pilitin na magpakilala siya sa iyo. Huwag kang utu-uto.
  • May charger ka? – Kung gagala ka, magdala ka ng sarili mong charger. Hindi ba kapag nagtanong ka ng “May charger ka?” ay malamang na sasagutin ka ng “Ano’ng unit mo?” Huwag mong abalahin ang iyong mga kaibigan o kaopisina sa paghahanap ng charger na compatible sa cellphone mo.