Isang 31-anyos na negosyante ang namatay nang barilin sa mukha ng hindi pa kilalang salarin habang naglalakad patungo sa nakaparada niyang sasakyan sa Sta. Cruz, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Fritz Linjohn Chu, may-ari ng repair shop na Chu Tech Solution na nasa ground floor ng Parkson Square sa Rizal Avenue, at residente ng Block 5, Lot 7, Garden City, Sucat, Parañaque City.

Samantala, inaalam pa ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, nangyari ang insidente sa pagitan ng 7:00 ng gabi at 7:30 ng gabi nitong Linggo sa Carriedo Street, kanto ng Bustos Street sa Sta. Cruz.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pauwi na ang biktima at naglalakad patungo sa kanyang Toyota Vios (NIY-781) na nakaparada sa ibaba ng LRT Carriedo station nang biglang sumulpot mula sa kanyang likuran ang suspek at walang sabi-sabing binaril siya sa ilong malapit sa mata.

Inaalam na ng awtoridad kung may kinalaman ang krimen sa isang kostumer na umano’y nagalit sa biktima at bago umalis sa repair shop ay nagbanta ng “Kayang-kaya kitang patayin!” o sa parking boy na nakaaway ni Chu malapit lang sa tindahan nito.