ANTIPOLO CITY - Isang Indian ang hinoldap na at inagawan pa ng motorsiklo habang naniningil ng kanyang pautang na five-six sa Barangay Cupang, Antipolo City kahapon.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang biktima ay si Sing King Deep, 34, may asawa, nakatira sa Agnesville sa Bgy. Mambugan, Antipolo City.

Ang mga suspek ay dalawang hindi nakilalang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Felipe Matias na dakong 10:30 ng umaga at sakay sa kanyang motorsiklo si Deep habang binabagtas ang P. Oliveros Street sa Bgy. Cupang, nang harangin siya ng dalawang suspek.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Matapos kunin kay Deep ang susi ng motorsiklo ay nagbunot ng patalim ang isa sa mga suspek at nagpahayag ng holdap at tinangay ang P2,800 na nasingil ng dayuhan bago tumakas.