Igorotak! - ito ang sinambit ni First Class Arwi C. Martinez, ang valedictorian ng PMA Sinaglahi Class 2015, sa graduation rites sa Baguio City noong Marso 15. Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nag-abot ng Presidential Saber sa matalinong Igorot na taga-Loakan Baguio City. Ang “Igorotak”, ayon kay Alex Allan, dating executive editor ng Journal Group of Publications at president ng Defense Press Corps, ay nangangahulugan ng “Igorot ako”. Si Alex ay isang Igorot.

Ganito ang isinulat ni Eli Cinco, Manila Bulletin columnist na ipinadala sa akin. Sa isang umpukan daw ng mga senior citizen na nagdaraos ng reunion, naroon si Eddie Ilarde, pangulo ng isang pambansang samahan ng nakatatandang mamamayan. Lumapit kay Ilarde ang isang elderly couple at malugod siyang binati.

Eddie Ilarde: “Kumusta na ang inyong sex life?”

Elderly na babae: “Naku Eddie, nakadadalawa pa ang mister ko.”

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Eddie Ilarde: “Wow, parang di ako makapaniwala. Congrats.”

Elderly na babae: “Maniwala ka, isa sa tag-araw, isa sa tag-ulan.”

Habang sinusulat ko ito, nanumpa na si Makati City Vice Mayor Romulo Peña bilang Acting Mayor ng lungsod. Gayunman, si Mayor Jun-Jun Binay ay nasa City Hall pa at naghihintay ng TRO ng Court of Appeals. Marahil ay lutas na ang krisis sa Makati paglabas ng aking kolum. Si Mayor Jun-Jun ay inisyuhan ng suspension order ng Office of the Ombudsman dahil sa paratang na katiwalian. Parang ayaw niyang sundin ang utos ng Ombudsman. Si Manila Mayor Estrada nga ay pinakiusapan ang pamangking si Laguna Gov. ER Ejercito na bumaba sa puwesto matapos ipasiya ng Comelec at Supreme Court na lumabag siya sa batas ng eleksiyon. Mismong si Erap ay sumunod sa batas at nagpakulong dahil sa kasong plunder noong 2001. Sina Sens. JPE, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay tumalima rin sa batas at ngayon ay nakakulong. Tanong ng ilang nagbabasa ng kolum ko: “Naiiba ba ang mga Binay? Mataas pa ba sila sa batas?”