Tatlong tauhan ng militar ang napatay habang limang iba pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Prosperidad, Agusan del Sur, nitong Linggo.

Sinabi ng Prosperidad Police na sakay ang mga sundalo sa apat na military truck nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa dinaanan ng mga ito na sinundan ng pananambang.

Agad na nasawi ang isang sundalo habang nadaganan naman ng sumabog na truck ang dalawa pa.

Limang sundalo pa ang nasugatan sa engkuwentro na tumagal nang 30 minuto.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod