Nakakulong ngayon ang isang 24-anyos na lalaki matapos umanong tangkaing gahasain ang kanyang 10-taong gulang na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rowell Coral, residente ng Zorra St., Barangay Paltok, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, naganap ang tangkang panghahalay dakong 6:00 noong Linggo ng umaga.

Sinamantala umano ng suspek ang pagka-inosente ng 10-taong gulang na pamangkin nang kumbinsihin itong samahan siya sa silid ng kanilang bahay dahil nandoon naghihintay ang kapatid na lalaki ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Subalit nang makarating sa loob ng silid, agad na kinandado ng suspek ang pintuan at binuhat ang Grade 5 na estudyante sa kama at hinawakan ang maselang bahagi ng katawan.

Inalok din umano ng salapi ang dalagita upang hindi ito pumiglas habang puwersahang hinuhubaran ng suspek.

Ayon sa pulisya, binantaan din ng suspek ang dalagita na papatayin ito kung sisigaw ng tulong.

Pinalad ang biktima ng biglang dumating ang kanyang “Tiyo Berong” sa kanilang, dahilan upang makatakas ito sa pangmomolestiya ng suspek.

Agad na humingi ng tulong si “Tiyo Berong” sa agad na nagtungo sa lugar at pinosasan si Coral. - Francis T. Wakefield