Sumigla ang kita ng mga magsasaka ng palay sa bansa ngayong anihan, iniulat ng National Food Authority (NFA).

Ito ay bunga ng 47 porsiyentong pagtaas sa farm gate price ng palay, o mula P17.82 kada kilo ay naging P17.91 na ang halaga ng bawat kilo ng palay simula noong huling linggo ng Pebrero.

Umaabot na sa P22 kada kilo ang palay na binibili ng mga commercial rice trader sa mga magsasaka sa Bulacan.

Noong 2011 hanggang 2013 ay umabot lang sa P10.88 hanggang P11.29 kada kilo ang farm gate ng palay.

National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Sinabi ni NFA Administrator Renan B. Dalisay na patuloy ang pagbili ng palay sa mga magsasaka at maraming lugar sa ngayon ang may masiglang anihan.

Aniya, may 413 buying station at mobile procurement team ang NFA na nakakalat sa bansa.

Mula sa Iloilo, Sultan Kudarat, Palawan, Antique, at Isabela ang palay na nabili ng NFA nitong Pebrero sa mga magsasaka na may kabuuang 220,569 na sako.

Ang lahat aniyang nabibiling palay sa lokal na magsasaka ay iniimbak ng ahensiya para magamit sa panahon ng kalamidad.