Coco & Julia

AYAW naming isiping sinasakyan lang nina Coco Martin at Julia Montes ang tanong ng entertainment media kung ano ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Sa tuwing tatanungin kasi ang dalawa, pawang papuri at kung anu-anong pakilig na salita ang sinasabi nila, pero kapag tinanong naman nang diretsahan kung ano talaga ang lagay ng relasyon nila ay sasabihing ‘magkaibigan.’

Ayaw naman nilang aminin kung may unawaan na sila o wala pa o nagpapa-cute lang sa isa’t isa.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa grand presscon ng bagong serye nina Coco at Julia na Wansapanatym Presents Yamishita’s Treasure, nagdeklara ang dalaga na wala pa talaga silang relasyon, pero inamin niya na gusto niya na kung magkakaroon siya ng karelasyon ay si Coco ang pipiliin niya dahil marami itong naibibigay na payo tungkol sa buhay, sa pamilya at sa career.

“May mga advices lang siya. Tama naman kasi binibigyan nga ako ng opportunity at hindi lahat ng kabataan, nabibigyan ng opportunity na ganito,” sabi ni Julia. “Pero saludo ako sa kanya bilang lalaki, bilang tao. Parang lagi kong sinasabi na parang wala akong masabing masamang tinapay. Kasi minsan, sa umpisa, ‘pag nakilala mo na ang isang tao, sa umpisa lang ‘yan.

“Pero sa kanya, sa tagal po naming nagkasama, mas nakikilala ko siyang lalo.

“Wala pa akong hindi nakikitang hindi okey,” kuwento ni Julia.

Gustung-gusto ni Julia ang pagiging family man ni Coco at dala-dala rin niya ito sa set kaya talagang ideal boyfriend ang aktor, pero trabaho muna raw ang priority nila.

Tinatablan ba si Julia kapag may sweet moments sila ni Coco sa serye dahil nabanggit ng aktor na kailangan makaramdam siya ng love sa leading ladies niya para ramdam na ramdam ang mga eksena. Kaya sa ikatlong project nilang ito, baka nga totoong na-in love na sa kanya ang binata.

“Mixed emotions po, crush ko siya. Siguro crush, yes. Iba ‘yung paghanga ko sa kanya,” nahiyang pag-amin ng dalaga.

Paanong paghanga?

“Ang hirap naman pong i-elaborate ‘yun, siguro po hindi ako mabilis ma-amaze sa isang lalaki. Pero sa kanya, naa-amaze ako kung paano niya... buong pagkatao niya. Ang hirap i-express kasi hindi lang bilang artista o bilang aktor ka magagalingan, kundi kung paano siya sa buhay bilang tao, apo, bilang kapamilya.”

Inamin ni Julia na si Coco mismo ang nagsabing mag-focus muna sila sa trabaho at wala munang ligawan.

“Siguro ngayon, nandu’n pa ako sa point na siyempre family pa rin talaga. Ako kasi, ‘pag nagbigay ako ng time and effort, all out. Siguro ‘pag darating ako sa ganu’ng point na magkakaroon ng relationship and anything, ‘yung alam ko sa sarili ko na settled ang family ko,” paliwanag ni Julia.

Wala siyang manliligaw sa ngayon kasi, “Takot sila sa akin, eh. Medyo ang dating ko sa kanila, suplada. Pinangungunahan ko na, ‘O, ganito tayo, ha?’ Para mapi-feel nila na parang... ‘Wala ‘ata akong (pag-asa) dito.’ Sumusuko na agad.”

So, nanunubok siya kung gaano katiyaga ang lalaki at nakita niyang si Coco lang iyon?

Treasure ba si Coco?

“Oo naman.”

Yummy rin ba siya?

“Ha-ha-ha-ha, oo naman,” napahagalpak na sagot ng dalaga. --Reggee Bonoan