Angelica at Jodi

DUMATING sa photo shoot ang dalawang bigating suporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa remake ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo, na sina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban.

Si Angelica ay galing sa big success ng That Thing Called Tadhana, habang si Jodi’y sa problemang kinasangkutan ng boyfriend na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla noong aksidenteng mabaril ang sarili sa kanilang Alabang house habang naglilinis ng kanyang baril.

Sa nasabing photo shoot, maikli ang buhok ni Jodi at inilalarawan niya ang kanyang role as Amor Powers (dating ginampaman ni Eula Valdez sa orihinal na serye) habang si Angelica nama’y todo-emote sa pictorial para sa gagampanang role as Claudia Buenavista (unang ginampanan naman ni Jean Garcia).

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Bilang Amor at Claudia, ang tarayan o ang sampalan ng dalawa ang ilan lamang sa mga eksenag kinunan para sa magiging teaser ng serye na mapapanood na sa lalong madaling panahon.

Naganap na ang engkuwentro ng dalawa at unang kinunan ng pahayag si Angelica tungkol sa ‘sampalan’.

“Nasampal na ako ni Cherie(Gil), ni Maricel (Soriano) , pero ‘yung sampal niya (Jodi ), ang sakit nu’n, ha?” may birong litanya niya.

Pahayag naman ni Jodi, grabe agad ang kanilang pakiramdam sa palitan nilang iyon ng sampal.

“Ang feeling namin ay first scene, love scene, ganu’n ka-awkward,” game na kuwento ni Jodi.

Nang ipapanood sa kanila ang teaser, sinabi ng dalawa na tinotoo na nila ang eksena para wala nang take two.

“Kasi nga, parang ‘di naha-happy ang mga direktor kapag kontrolado. Gusto nila palaging bigay na bigay,” natatawang sabi ni Jodi.

“Naniniwala kami sa trabaho namin,” salo naman ni Angelica, kaya kailangang itodo ang arte. “At saka mas gusto ko ‘yun bilang artista, mas nakakatulong (sa akting), kung sinasaktan ka talaga.”

Kaya’t ang pangako ng dalawang award-winning aktres, bukod sa mga bidang sina KathNiel, kaabang-abang ang komprontasyong Amor at Claudia na muling bubuhayin nina Jodi at Angelica.