john lloyd at dondon and erik matti copy

PAGKATAPOS mapanalunan ni John Loyd Cruz ang Best Actor para sa The Trial (ka-tie si Piolo Pascual para naman sa Starting Over Again) sa katatapos na Star Awards for Movies, muli niyang patutunayan ang kanyang galing sa pag-arte sa susunod niyang movie na Honor Thy Father na dinidirihe ni Erik Matti sa ilalim ng Star Cinema at Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.

Kuwento ng isang pamilyang na-involve sa Ponzi scheme o “pyramiding” ang bagong pelikula ni Erik Matti na siya ring gumawa ng critically acclaimed at award-winning film here and abroad na On The Job.

Bumilib si Dondon Monteverde sa dedication ni John Lloyd sa kanyang trabaho dahil kumasa ang aktor sa malaking challenge para nasabing role. Nakumbinsi siya ni Direk Erik na i-shave ang buhok para sa ikakaganda at itsurang tutugma sa kanyang role.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

First time ginawa ni John Lloyd ang pagpapakalbo sa kanyang pelikula na kadalasang romantic-comedy at magagaang roles lang ang ginagampanan niya. Mabusisi rin ang pagpili sa cast sa Honor Thy Father na ayon sa aming source ay pawang award winners.

Bukod kay Meryll Soriano, wala pang ibang pangalan na inilalabas sa mga makakasama ni John Lloyd sa Honor Thy Father na ngayon pa lang ay hinuhulaan nang magiging usap-usapan.

Wala pang eksaktong playdate ang bagong pelikula ni John Lloyd pero gumigiling na ang camera ni Direk Erik Matti para sa ilang highlight scenes ni John Lloyd.