Marian, Katrina at Glaiza

KAHAPON naka-schedule ang first taping day ng Rich Man’s Daughter, ang bagong soap ni Marian Rivera sa GMA-7. Kahit sa first week pa ng May ang airing ng soap, kailangan nang mag-taping dahil aalis si Marian para sa GMA Pinoy TV event sa US at Canada.

Kabilang sa MGA nagpaabot ng good luck kay Marian ay ang inang si Amalia Rivera. Nag-text ito sa aktres ng “Anak, good luck sa taping mo tomorrow (kahapon). Pahinga ka na, text mo lang ako kung may kailangan ka. Okey? Love you!”

Sinagot ni Marian ang text ng ina ng “Ayiee! Thanks Mama” at “Okie Ma Love you more!”

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Bago nag-taping, nauna nang nag-shoot sina Marian at ilan sa major cast ng Rich Man’s Daughter ng omnibus summer campaign ng new shows ng network. Lumabas sa social media ang pictures nina Marian, Glaiza de Castro at Katrina Halili at nagustuhan ang pictures ng tatlo.

Nag-klik sa fans ang picture na magkadikit ang mga mukha nina Marian at Glaiza na tila maghahalikan at tila naman nagseselos na nakatingin sa kanila si Katrina.

Sa mga nasulat tungkol sa bagong soap ni Marian, si Glaiza ang tinukoy na makarerelasyon ng karakter ni Marian na si Jade Tanchingco. Siguro makakarelasyon din ni Marian si Katrina at pati si Pauleen Luna.

Bago ang Rich Man’s Daughter, sa Lenten Special ng Eat Bulaga muna mapapanood si Marian. May pamagat na “Aruga ng Puso” ang pagbibidahan niyang episode sa direction ni Bb. Joyce Bernal. (Nitz Miralles)