Julia Barretto debut

NATUPAD ang pinangarap ni Julia Barretto na mapagsama-sama ang kanilang pamilya sa kanyang debut na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel nitong nakaraang Martes ng gabi.

Dumating ang kanyang tiyahing si Claudine Barretto kasama ang mga magulang nitong sina Miguel at Inday na matatandaang nakaalitan ng kanyang inang si Marjorie Barretto kakampi ang isa pang tiyahin na si Gretchen Barretto, bagamat wala ang huli na nagpauna nang nagsabi na hindi makakadalo dahil pupuntahan nito ang anak na si Dominique na nag-aaral sa London, upang makasama ito sa pagdiriwang ng kanyang ika-45 kaarawan.

Kamakailan, may lumabas na isyung sina Marjorie at Gretchen naman ang may alitan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dumating din ang tatay ni Julia na si Dennis Padilla, ang kanyang first dance, na hiwalay na sa kanyang ina. “All the best in her career and in life,” ang wish nito para sa kanya, bukod pa sa surprise VTR message nito na: “Looking forward to have more bonding time with her. I’m letting her go but will still hold her hand to see what the real world is.”

Awitin ang inialay kay Julia ni Marjorie, kinanta ni Klarisse de Guzman, na personal favorite ng anak.

Sinorpresa rin si Julia ng kanyang last dance na si Iñigo Pascual ng own rendition nito ng The Way You Look Tonight. 

“You are our little princess and soon you will be a queen, I love you,” ang mensahe naman ni Claudine sa kanya.

Ang nag-abot kay Julia ng 19 candles ay sina Dani Barretto, Claudia Barretto, Patita Tumpalan, Erich Gonzales, Alora Sasam, Natalia Ortega, Nicole Barretto, Cris Navarro, Marissa Kalaw, Pokwang, RB Chanco, Lala Flores, Denise Heredia, Coy Barretto, Ella Pangilinan, Liz Uy, Janella Salvador, Liza Soberano at Maja Salvador.

Ayon kay Julia, 19 candles, dahil baka may hindi makarating.

Pinangunahan naman ng kanyang ama ang mga nag-abot ng 18 roses kasama sina Matteo Guidicelli, Rayver Cruz, Enchong Dee, Khalil Ramos, Robi Domingo, Sam Concepcion, Dominic Roque, Leon Barretto, Mark Barretto, John Barretto, Cholo Barretto, Jason Soong, Mark Soong, Miguel Barretto, John Sweet Lapus, Enrique Gil at Iñigo Pascual.

Dumalo rin sina Richard Gomez at Cong. Lucy Torres with daughter Juliana, Edu Manzano, Ruffa, Annabelle, at Raymond Gutierrez, Maricel Laxa at Anthony Pangilinan kasama ang mga anak, KC Concepcion, Karen Davila, Atty. Lorna.Kapunan, Joy Ortega , Pops Fernandez, Ben Chan, Aiza Seguerra at Liza Dino, Billy Crawford at Coleen Garcia, Bella Padilla, Danita Paner, Nadine Ilustre at James Reid, Laureen Uy, Ella Cruz, Daniel Mustang at Daniel Matsunaga.

In full force siyempre ang iba pang mga kasamahan niya sa Star Magic na kinabibilangan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kim Chiu, Pokwang at Miss World 2013 Megan Young.

Sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo ang nagsilbing host sa okasyon na mapapanood sa Marso 29, Linggo, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice, na may titulong JustJulia Beautiful@18.

“To my mom, ikaw ang tunay na may debut ngayon, ikaw lahat ito,” mensahe ni Julia. “To my Dad, I love you. Thank you to my family, the most controversial family. Whatever happens I’m still proud to be a Barretto.” 

“Peace between everybody. Successful career. Sana after high school ay makaka-graduate din ako ng college,” birthday wish ng dalaga na magtatapos na ng high school sa Marso 22.

Balak niyang kumuha ng Business Management sa kolehiyo. (Dindo M. Balares)