BEIRUT – Ipinakita sa video na na-post online ng Islamic State (IS) ang pagbaril at pagpatay ng isang batang lalaki kay Muhammad Musallam, isang Israeli Arab na inakusahan ng grupo sa pagsapi bilang jihadi upang mag-espiya para sa intelligence service ng Israel.

Makikita sa video ang 19-anyos na si Musallam habang nakaupo sa isang silid suot ang isang orange jumpsuit at nagkukuwento kung paano siya na-recruit at sinanay ni Mossad. Sinabi niya na hinikayat siya ng kanyang ama at nakatatandang kapatid na sumapi sa IS.

Makalipas ang ilang sandali, ineskortan si Musallam sa labas at doon ay binaril sa noo ng isang batang lalaki, na inilarawan ng isang nakatatandang miyembro ng IS bilang isa sa “cubs of the caliphate”.

Hindi naman makumpirma ng Reuters, maging ng mga security official ng Israel, ang authenticity ng 13-minutong video.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isang hiwalay na ulat, isinapubliko naman ng IS ang pamumugot sa tatlong lalaki sa hilagang Iraq, na ang dalawa sa mga ito ay nagsagawa ng homosexual acts.

Nauna nang iniulat na inihuhulog ng IS mula sa tuktok ng matataas na gusali ang mga bading sa Syria.