Niluwagan na ng Korte Suprema ang panuntunan sa annulment o pagpapawalang-bisa ng kasal.

Ito ay makaraang katigan ng Supreme Court First Division ang motion for reconsideration na inihain ng isang lalaki laban sa kanyang maybahay.

Sa nasabing kaso, inakusahan ng lalaki ang kanyang asawa na mas inuuna umano ang paglalaro ng mahjong at pagtungo sa beauty parlor kaysa sa tungkulin nito bilang maybahay at isang ina.

Sa desisyon na pinonente ni Associate Justice Lucas Bersamin, partikar na niluwagan ng Korte Suprema ang batayan sa psychological incapacity.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Kung paiiralin daw kasi ang dating guidelines ng hukuman hinggil sa batayan sa psychological incapacity, kahit ang mga na-diagnose na sociopaths, schizophrenics at narcissists ay mananatili pa ring kasal.

Sa huling desisyon ng Korte Suprema, tinukoy na ang dapat na maging pagtrato sa mga kaso ng annulment ay batay sa facts of the case at hindi sa mga prior assumption o generalization.

Nilinaw naman ng hukuman na sa pinakabago nilang desisyon ay hindi nila sinisira ang pundasyon ng pamilya, kundi pinoprotektahan ang pagiging sagrado ng kasal dahil hindi nila papayagan na manatili pa rin sa sagradong pagsasama ang isang tao na napatunayang may psychological disorder at hindi na nakatutugon sa mahahalagang obligasyon bilang asawa.

Kaugnay naman sa pangamba na dumami ang mga kaso ng annulment, wala umanong dapat na ikabahala, dahil mayroon namang sapat na safeguards na nailatag, gaya ng government intervention.