Umapela sa mga tagasuporta si Senate President Alan Peter Cayetano na dumalo sa prayer vigil sa labas ng Senado bukas ng Huwebes, Hunyo 4, matapos ang naging hakbang ng Senate minority bloc na iluklok bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian, sa isinagawang plenary session ngayong Miyerkules, Hunyo 3.
Matatandaang sa pagsisimula ng plenary session, walang dumating na mga senador mula sa majority bloc, pati na rin ang presiding officer, maliban kay Sen. Chiz Escudero.
Maki-Balita: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!
Dahil dito, nagkaroon ng quorum na 12 senador kaya naisagawa ang mga hakbang para sa pagpapalit ng liderato at mga chairman ng bawat komite.
Sa isinagawang Facebook Live ni Cayetano, iginiit niyang siya pa rin ang nananatiling lehitimo, legal, at moral na Senate President dahil 13 boto ang kailangan para tuluyan siyang mapatalsik sa puwesto.
Maki-Balita: 'I'm still the legitimate, legal, moral Senate President!'—SP Cayetano
Nanawagan naman siya sa mga tagasuporta na magtungo sa Senado bukas para magsagawa ng prayer vigil.
"Sa ating mga kababayan who wants to pray, we have a prayer vigil sa Senado bukas, pumunta po kayo," saad ni Cayetano.