ILOILO – Naglaan ang United States Agency for International Development (USAID) ng US$1.5 million para sa isang programang pang-edukasyon sa mga paaralang sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Visayas noong Nobyembre 8, 2013.

Pinangunahan ni USAID Philippines Mission Director Gloria Steele ang paglulunsad ng programang Hugpong sa Pagbangon (Rising Up Together), na layuning mapahusay ang kakayahan sa literacy at basic education ng mga mag-aaral sa Grades 1 at 2 sa mga pampublikong eskuwelahan na winasak ng Yolanda.

Sa pakikipagtulungan sa Synergeia Foundation, ang Hugpong ay isang limang-taong programa (2013-2018) na ipatutupad sa 19 lugar sa Visayas.

Sa 19 na lugar na saklaw ng programa, 13 sa mga ito ay sa Iloilo.
National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz