CHICAGO (AP)– Sinabi ni Chicago Bulls guard Derrick Rose kahapon na sa tingin niya ay makababalik na siya ngayong season matapos ang kanyang knee surgery noong nakaraang buwan, ngunit ayaw niyang magbigay ng timetable kung kailan ang kanyang pagbabalik.

Sa kanyang unang pagharap sa media, mula nang maoperahan noong Pebrero 27 upang ayusin ang napunit na medial meniscus sa kanyang kanang tuhod, sinabi ni Rose na ang kanyang pagbabalik ngayong season ay ‘’the plan, so whenever I feel right, that’s when I’m going to step back.’’

Matapos ang surgery, nagbigay ang Bulls ng timetable na apat hanggang anim na linggo para sa pagbabalik ni Rose.

‘’I feel good. I’m in a positive place right now,’’ ani Rose. ‘’Just trying to keep it positive and get the most out of these days.’’

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Hindi na naglaro si Rose mula noong Pebrero 23 laban sa Milwaukee Bucks, nang siya ay 1-for-13 sa loob ng 33 minuto. Nang sumunod na gabi, inanunsiyo ng Bulls na siya ay sasailalim sa kanyang huling knee surgery.

Hindi nakapaglaro si Rose sa kabuuan ng 2012-13 season matapos mapunit ang kanyang kaliwang ACL sa unang round ng 2012 playoffs, at naglaro lamang ng 10 laban noong nakaraang season matapos ang unang pagkapunit ng meniscus sa kanyang kanang tuhod.

Sinabi ng dating MVP na hindi niya alam kung paano nangyari ang injury. Sa kanyang hinuha, maaring isang buwan na itong napinsala at naalala niya na mayroon na siyang nararamdaman sa laban ng Chicago at Golden State noong Enero 27.

‘’That could have been a sign telling me that something was wrong, and that was a month and two weeks ago,’’ pahayag ni Rose. ‘’So, who knows when it happened? It could have happened that game, the previous game, who knows?’’