Hindi lamang nakatuon sa ikalawang titulo ang Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles kundi ang magtala ng kasaysayan sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) bilang unang koponan na winalis ang lahat ng laban sa volleyball.

Ito ang sinabi ni ADMU Lady Eagles Team manager Tony Boy Liao kasama ang coach na si Anusorn “Tai” Bundit at assistant na si Parley Tupaz at Dela Salle University (DLSU) Green Archers athletic director Emmanuel Calanog sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate.

“I think wala pang nakagagawa sa volleyball event sa history ng UAAP na walisin ang lahat ng kanilang laban tungo sa pagiging champion. Kung ibibigay sa amin ang huling dalawang panalo, we will be lucky. Kung hindi naman, so be it. We are going for the record 16-0,” sinabi ni Liao.

Ayaw naman magkumpiyansa ni coach Bundit bagamat inamin nito na nakapaghanda na siya sa kanyang taktika para sa kampeonato bago pa man naganap ang masaklap na insidente sa manlalaro ng La Salle na si Ara Galang.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“We already have a tactics set,” pahayag ni Bundit.

“We know them very well and how they play. We will not implement new strategy as well as do some adjustment,” giit pa ni Bundit na tinukoy ang posibleng papalit sa puwesto ni Galang sa labanan na si Christine Joyce Soyud at Desiree Wynea Cheng.

Kailangan lamang ng dalawang panalo ng Lady Eagles upang iukit ang kanilang kasaysayan sa UAAP habang pilit naman babaliktarin ng Lady Spikers ang naganap noong nakaraang taon na mawalis ang kampeonato sa kinakailangan nilang tatlong sunod na pagwawagi.

“Given na hindi na makalalaro si Ara (Galang), we are at advantage because she average 20 points, add to her iyong hassle and leadership she bring to the team. But this could be a double bladed thing. They might either play against us collectively. Baka mamaya, lahat na sila gumagalaw at umaatake,” dagdag ni Liao.

“Knowing La Salle coach Ramil (De Jesus), he is a very well-known tactician. May mga sekreto siya na puwedeng bukas (ngayon) niya ilabas. We know may surprise siyang ilalabas that is why we told our players not to be complacent. I told the players just to play their usual game for us to win,” ayon pa kay Liao.

Umaasa naman si Calanog na magagawa ng Lady Spikers na maduplika ang naging panalo sa Lady Eagles matapos ang kanilang ikaapat na sunod na pagsagupa para sa titulo.

“Who knows, adversity brings out the best in the players. Maybe the loss of our team captain (Ara Galang) is a rallying point for the team. The key here is the first game and the execution will play a vital role. We are definitely the underdog but coach Ramil is really trying to fill that void,” sinabi naman ni Calanog.

Nagpasabi naman si De Jesus na hindi makadadalo sa forum dahil kasabay nito ang kanilang pag-eensayo at paghahanda para sa kanilang matira-matibay na laban ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.