Umalma ang pamunuan ng Global APT, ang kumpanyang umaayos sa mga riles at tren ng Metro Rail Transit (MRT), sa umano’y paninisi sa kanila ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at publiko sa patuloy na pagkakaroon ng aberya sa biyahe na ikinaiinis ng mga pasahero ng MRT-3.

Ayon kay Emmanuel Veloso, CEO ng Global APT, noong nakaraang taon pa nila iminungkahi sa tanggapan ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya na dapat nang palitan ang lahat ng riles sa MRT.

Sinabi ni Veloso na hindi sila dapat sisihin sa patuloy na pagkasira ng mga tren na kadalasang nagdudulot ng abala sa mga pasahero.

Aniya, kahit maglagay ng mga bagong bagon ay wala pa ring katiyakan na hindi na magkakaroon ng aberya sa MRT dahil sa palpak at mahina ng riles ng tren.

National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

"Well if the decision makers will fix the rails, replace it, wala ng problema. Whatever finger pointing anyone will do, it will still result to the replacement of the rails," ayon sa opisyal.

Iginiit pa ni Veloso na nagagampanan nila ang lahat ng nakasaad sa kanilang kontrata at wala silang pagkukulang sa kanilang tungkulin.

Isa pang opisyal ng Global APT na tumangging magpabanggit ng pangalan ang nagsabing kadalasan ay delay at pahirapang makasingil sa DOTC sa kanilang serbisyo.