Saan ka man abutan ng pahayang ito, maging nasa Aparri ka man o sa Jolo, sobrang init na sa Maynila. Kahit nakapayong ka na, lalo na sa katanghaliang tapat, dam among nagpe-penetrate sa payong ang sobrang init. Dahil dito, payo ng matatanda, uminom ng mas maraming tubig sa panahon ng tag-init upang hindi tayo maging biktima ng heat stroke.

Epekto rin ba ng climate change ang sobrang init na ito? May nakapag-ulat na malawak na ang sakop ng climate change sa ating daigdig. Natutunaw na ang mga yelo sa bulubundikin sa polar areas, tumataas na ang sea level, at heto sobrang init ng panahon. Ilan lamang ito sa nararamdamang epekto ng climate change. Ayon pa sa mga ulat, maaaring kaakibat nito ang iba pang problema, kabilang na ang malalakas na bagyo, paglaganap ng nakamamatay na virus, pagbabago ng gawi ng mga hayop at halaman, tagtuyot, at iba pa.

Ngunit ang pinakamalala rito, binabantaan na ng climate change ang pinakamahalagang elemento sa ating planeta – ang tubig. Hindi ito tubig-dagat, ngunit maaari na ring maging problema ito ng tao kapag sumobra na ang init ng karagatan. Magkakaroon tayo ng malaking problema sa inuming tubig – na tubig din sa ating paliligo, sa pagdidilig ng pananim sa mga sakahan, at para ipainom sa mga hayop na ating pinakikinabangan. Ang sobrang taas ng temperature ay maaaring mauwi sa tagtuyot, kung kaya pahirapan ang makakuha ng tubig na maiinom. At dahil din sa init, mangangailangan ang tao, hayop, at halaman ng mas maraming tubig upang maiwasan ang dehydration, na magpapalumpo naman sa ating water resources. At dahil tumataas ang sea level, maaaring maapektuhan ng tubig-alat ang reservoir ng inuming tubig.

Malaki ang epekto ng mas mainit na temperature sa dami ng tubig na ating ginagamit. Kapag mainit ang tubig, mas malamang na made-dehydrate ang tao, ibig sabihin, mas maraming tubig ang makokonsumo kaysa normal na kondisyon. Mas maraming tubig ang kakailanganin kapag mainit ang panahon upang hindi ma-dehydrate ang mga halaman at mga alagang hayop. Kung gaano kalala ang problemang ito sa tubig – kasama pa ang iba pang problemang dulot ng climate change – ay nakasalalay kung paano reresolbahin ng tao ang problema sa emisyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases na ikinakalat natin sa hangin.

National

Singil ng Meralco ngayong Disyembre, tataas!

Nagpaparamdam na ang daigdig na may problema na ito sa tubig. At kapag nagpatuloy ang tao sa pagwawalangbahala ng mga palatandaang ito, mauuhaw talaga tayo.