TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Naaresto kahapon ng umaga ang isang driver ng habal-habal na nagyabang na asset ng pulisya makaraang makuhanan ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa panulukan ng Ledesma at Quirino Streets ng nasabing lungsod.

Nakumpiska kay Koy Kesa y Duma, 30, may asawa, driver, at nakatira sa General Salipada K Pendatun, Maguindanao, ang limang sachet ng hinihinalang shabu, kabilang na ang nabili ng poseur buyer.

Nabatid kay SPO1 Rogelio Manzano na matagal nang sinusubaybayan ng pulisya ang suspek, na kakasuhan sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). (Leo P. Diaz)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20