Sharon Cuneta

ANG pagbabalik kaya ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN ang special announcement na ipinatawag ngayong araw, Lunes ng kanilang Corporate Communication head na si Mr. Kane Choa?

Palaisipan kasi sa netizens ang post ni Sharon sa kanyang Facebook account nitong nakaraang Biyernes na, “You will be seeing me in just a few days.” 

Sinulat namin kamakailan na kaya nagpapapayat ang megastar ay dahil sinabihan siya ni ABS-CBN President at Chief Executive Officer Charo Santos-Concio na magbawas ng timbang kung gusto uli nitong bumalik sa telebisyon.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Pinakinggan at sinunod ni Sharon ang payo na ito ni Ma’am Charo kaya naman handang-handa na siya at kung hindi kami nagkakamali ay ngayong araw ang pictorial niya para sa bagong programa niya sa ABS-CBN.

Ibibigay na namin sa ABS-CBN management kung anong programa mapapanood si Sharon at ayaw naming pangunahan ang announcement kaya ang masasabi lang namin, welcome back, Shawie!