MULI nga bang nagkabalikan ang dating magkasintahan na sina Khloe Kardashian at French Montana?

Nakuhanan ng litrato ang reality star habang nagsasaya sa isang isla sa Key West kasama ang rapper noong Huwebes.

Parehong ibinahagi nina Khloe at French gamit ang kani-kanilang Instagram account ang isang litrato habang pinapanood ang lumulubog na araw noong Huwebes, ngunit hindi nila binanggit ang pangalan ng isa’t isa sa caption.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang dating magkasintahan, madalas na silang nakikitang magkasama simula nang maghiwalay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Noong nakaraang buwan (dalawang araw bago ang Valentine’s Day) sina Khloe at French—kasama sina Kendall Jenner, Kylie Jenner, Lil Kim at Cassie – ay namataang magkakasamang nagsasaya sa backstage sa concert nina Diddy and Snoop Dogg sa Madison Square Garden sa New York. Nag-break sina Khloe at French noong Setyembre at nagkabalikan noong Disyembre pero muli ring naghiwalay nang buwan ding iyon. - Yahoo News/Celebrity