CAPAS, Tarlac – Isang 23-anyos na babae ang minolestiya habang natutulog katabi ang kanyang kinakasama sa Barangay Lawy, Capas, Tarlac, noong Sabado ng madaling araw.

Pormal na inireklamo ng biktima si Angelito Villanueva, 42, may asawa, tubong Bgy. Sierra, La Paz, at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Lubong, Bgy. Lawy sa Capas. Naaresto si Villanueva.

Ayon kay PO1 Jonalyn Sain, natutulog ang biktima sa kanyang silid kasama ang kanyang live-in partner nang biglang pumasok ang suspek, hinalikan sa labi at dinaliri ang biktima na nagsisigaw.

Nagising ang kinakasama ng biktima at bagamat hindi naabutan ang tumakas na suspek ay nadakip naman ito ng mga opisyal ng barangay.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20